Wednesday, December 13, 2017

Ang repormasyon ay isang kilusang ibinunsod para sa malaking pagbabago ng tao tungkol sa relihiyon. Layunin ng repormasyon na baguhin ang pamamalakad ng simbahan. Ito rin ang tawag sa kaganapan na yumanig sa kakristiyanuhan na humantong sa pagkakahati ng simbahang kristiyano.

Malaki ang pagbabagong naganap sa Simbahang Katoliko noong ika-14 hanggang 17 dantaon, kung saan maraming mga gawi at turo ng Simbahan ang tinuligsa ng mga repormista partikular sa imoralidad at pagmamalabis ng Simbahan. Naging tanyag ang pangalang Martin Luther bilang 'Ama ng Himagsikang Protestante' na siyang namuno sa paglaban sa mga depekto ng Simbahan. Ang kanilang layunin ay hindi upang sirain ang simbahang Katoliko kundi upang maging bukas ang Simbahan sa mga pagbabago o reporma. Hindi nagustuhan ng Papa at ng mga kawani ng Simbahan ang pagtatagumpay ni Luther kaya't tinapatan nila ito ng Council of Trent, Inquisition, at Society of Jesus na naglalayong pagbutihin ang pananampalatayang Katoliko.
Naging walang tigil na iringan sa pagitan ng Simbahang Katoliko at Protestante.

Dalawang Yugto ng Repormasyon
1. Kilusang Protestante
2. Kontra-Reposmasyon

Kalagayan ng Europa Bago ng Repormasyon
1. Great Schism – “Division”
– Nagkaroon ng dalawang Santo Papa –– isang Italyano, isang Pranses
2. Babylonian Captivity – inilipat ng mga Pranses ang opisina ng Santo Papa mula Rome patunggong Avignon, France

Kritisismong nagbigay daan sa Repormasyon
1. Imoralidad, karangyaan
- Vow of Celibacy – complete sexual abstinence
2. Indulhensya
3. Simony – pagbebenta at pagbili ng posisyong sa simbahan




 


REPLEKSYON:  May masama at magandang epekto ang Repormasyon. Ito ay may masamang epekto sapagkat ito ang naging dahilan ng digmaan sa pagitan ng paniniwala ng mga tao at nagkawatak-watak ang nagkakaisang bayan sa Europe na may  paniniwalang Katoliko. Ngunit dahil sa repormasyon, napanatili ang pagiging matapat sa Diyos at pamumuhay ng simple.

No comments:

Post a Comment